Abante Tonite Interactive

Meralco, TNT laglagan ngayon

88

Laro mamaya: (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. — TNT KaTropa vs. Meralco

Sino ang aakyat at magpapatuloy maki­digma sa Final Four at ang pang­walong e-exit sa Meralco at TNT KaTropa sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-­siete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum?

Tutugunan ito ng nabanggit na sister teams sa knockout game na ang papalarin ang hahanay sa mga nakapasok na sa best-of-seven semis na magpupupugang magkapatid ding second seed San Miguel Beer at No. 3 Star at nag-aabang na lang sa kanilang  top seed Ginebra.

Nasagad sa sukdulan ang best-of-three pairings ng Meralco at TNT ma­kalipas humirit sa game two ang una sa sa kabila na nag-collapse sa fourth quarter pero natimbog pa rin ang huli sa five-minute extra period via 103-100 win noong Myerkules. Nakauna ang TNT noong Lunes ng 102-84 decision.

“I expect a dogfight,” deklara ni Meralco coach Norman Black, na ibig makasingit bilang nag-­iisang lowest seed sa apat at sundan ang 3-1 upset win sa kapatid sa 2016 Governors’ Cup semis noong Oktubre.

“I expect my guys to come out and fight like they did (kamakalawa). But at the same time, we know the other side is very talented and they can bounce back anytime. We’ve got to be ready,” giit pa niya.

Upang makaiwas naman sa tuluyang muling pagkasilat ang Bolts, may mahigpit nang tagubilin si Nash Racela sa kanyang KaTropa.

“I think we need to be stronger than the hits. There’s a lot of time we got hit that forces us to miss. We need to be stronger than that, play about those contacts,” sabi ng Texters coach, na paglalaruin ang pinahinga sa game two na nagka-hyperextended leg na si Ranidel de Ocampo sa opener.

Makakatulong siya kina import Josh Smith, Jayson Castro, RR Pogoy, Kelly Williams, Troy Rosario, Ryan Reyes at iba pa laban kina Baser Amer, Alex Stepheson, Jared Dilliger, Reynel Hugnatan at Chris Newsome.