Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco: Walang `bill shock’ sa ECQ

0 212

Pinabulaanan ng Meralco na maaaring magdulot ng `bill shock’ ang pagsasailalim sa Metro Manila at mga karatig probinsya sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Joe Zaldarriaga, vice president at tagapagsalita ng Meralco, taliwas sa pahayag ng Bayan Muna, makakasiguro aniya ang mga kustomer na walang `bill shock’ ngayong buwan kahit nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila hanggang sa ika-11 ng Abril.

Nauna nang nagbigay ng kautusan ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga distribution utility at mga electric cooperative na siguruhing makakapagbasa sila ng metro na batayan sa bill ng mga kustomer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakiusap din sila sa lokal na pamahalaan na payagan na makapasok sa kanilang lugar ang mga meter reader.

Nauna na ring inihayag ng Meralco na hindi sila magpuputol ng kuryente hanggang Abril 15 bilang tulong sa mga kustomer ngayong pandemya.

Bumaba rin ang power rate ng Meralco noong nagdaang dalawang buwan na umabot sa P0.4302 per kilowatt hour o P86.04 para sa kostumer na kumokonsumo ng 200kWh.

Leave A Reply

Your email address will not be published.