Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco walang puputulan hanggang Abril 15

0 261

Nangako ang Meralco na ipagpapaliban muna nila lahat ng disconnection activity hanggang Abril 15.

Sinabi ito ni Meralco First Vice President Ferdie Geluz noong Sabado matapos ang anunsyo Malacañang na isasailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

Paliwanag ni Geluz, naiintindihan nila ang kalagayan ng kanilang mga kostumer sa mga panahong ito dahil sa epekto ng pandemya. Kanila rin aniyang sinusuportahan ang pagsisikap ng gobyerno na makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Sa Facebook post naman ng Meralco, nakasaad na alinsunod sa anunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Marso 26, 2021 ay magpapatuloy ang kanilang onsite meter reading gayundin ang paghahatid ng electricity bill.

Lahat umano ng meter reader at bill courier ay magsusuot ng personal protective equipment (PPE).

May skeleton worforce din umano sa mga tanggapan ng Meralco mula Marso 29-31, alas-siyete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon alinsunod sa guideline ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Sarado naman sila mula Abril 1-13. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.