Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco walang puputulan hanggang Mayo 14

0 182

Hindi pa muna magpuputol ng kuryente ang Meralco sa kanilang mga kustomer na hindi bayad hanggang sa Mayo 14, 2021.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng Meralco na suspendido pa rin ang pagpuputol nito ng kuryente sa mga kustomer matapos na palawigin ng

Malacañang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang Mayo 14.

“Given the current situation and the extended MECQ, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times. Thus, we will continue to put on hold all disconnection activities until May 14, 2021,” sabi ni Meralco first vice president at chief commercial officer Ferdinand Geluz.

Ayon kay Geluz, umaasa ang Meralco na mabigyan ng sapat na panahon ang mga kustomers para makapagbayad ng kanilang mga electricity bill.

Samantala, sa kabila ng MECQ, sinabi ng Meralco na patuloy pa ring mag-iikot ang mga tauhan nila para magbasa ng mga metro na siyang basehan ng singilin nito at magpapadala pa rin ng mga bill.

Dagdag ni Geluz, sa ganitong paraan masisiguro na tama ang sisingilin nila sa konsumong kuryente. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.