Abante Tonite Interactive

Mercado, Enciso sabay nagpapawis

465

abang naka-home quarantine sina Philippine Basketball Association (PBA) star Solomon ‘Sol’ Mercado at Simon Enciso, hindi pa rin nagpaawat ang dalawa para sa kanilang workout.

Sa Instagram story kahapon ng veteran NorthPort combo guard na si Mercado sa @m3rcmywords, makikitang sinasamantala niya ang tagong pasilidad ng building matapos mag-ehersisyo sa may fire-exit.

Nasa unang video ang paghahanda pa lang nila ni Enciso ng TN. Pero sa sumunod na story ay nasa 31st floor na sila, makikitang mga hingal na hingal at tagaktak na ang pawis sa pag-akyant sa hagdanan.

Tigil aksyon muna ang liga matapos kumalat ang coronavirus disease sa bansa at maging sa buong mundo.

Nitong Lunes din ay naglabas ng memorandum si PBA Commissioner Willie Marcial na nagbabawal pa ring sumabak sa mga training, scrimmage, at iba pang activities ang mga manlalaro ng 12 team upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. (Aivan Episcope)