Abante Tonite Interactive

Merkado ‘di apektado ng pulitika

By
33

Ipinagmalaki ng Malacañang na tuloy ang paglakas ng merkado at tiwala ng mga investors sa Duterte administration sa kabila ng kabi-kabilang ingay sa pulitika.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, maganda ang ipinapakitang paglakas ng local stock market na nakapagtala ng bagong record-high na 8,344.05 points sa stock index.

Malaki ang kumpiyansa ng Palasyo na lalo pang lalakas ang ekonomiya dahil sa nakakakasang major infrastructure projects sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.

“The local stock market continues its record-breaking run when the index closed at a new record high of 8,344.05, ignoring the political noise, and highlighting investor confidence on the leadership of President Rodrigo Roa Duterte and his economic team,” ang paha­yag ni Abella.

Umaasa ang gobyerno na makakamit ng Duterte administration ang target na paglago para magtuluy-tuloy ang pagsusulong ng mga plano at programa na makakatulong sa pagbangon ng mga mahihirap na Pilipino.

“We remain hopeful that we would reach our growth target for the year as we move forward with our plans and programs,” dagdag na pahayag ni Abella.

Mainit ang ingay sa pulitika dahil sa patuloy na paggigiit ni Senador Antonio Trillanes IV sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bangko at nadamay na rin ang mga matataas na opisyal ng Office of the Ombudsman dahil nagpagamit umano sa maruming laro ng senador.