Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meron bang nadale sa side-effect ng COVID-19 bakuna?

0 110

Ngayong mahigit 44 na milyon na ang bakunado kontra COVID-19 sa Pilipinas at plano na ring turukan maging ang mga bagets na edad 12-17, may magandang tanong ang ilan nating ayudanatics na kurimaw–mayroon daw ba sa mga naturukan ang nakaranas ng matinding side-effect ng bakuna?

Lilinawin lang natin mga tropapips na ang pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 pa rin ang pinakamabisang paraan para hindi matepok sa virus na original na galing sa China.

At lagi ngang sinasabi ng mga eksperto at maging ng mga opisyal ng gobyerno lalo na ang Department of Health, na higit na malaki ang pakinabang ng proteksiyon sa bakuna kaysa sa “peligro.”

Iyon nga lang, hindi mo pa rin maiaalis na may mga tao na parang si Matet na “takot ako” ang linya kapag tinanong mo kung nagpabakuna na. May mga nagkakalat kasi ng mga impormasyon tungkol sa peligro o matinding epekto ng bakuna.

Iyong nga lang, eksahirado o OA naman ang inilalabas na bilang kuno ng mga nakaranas ng matinding side-effect at nasawi matapos daw na maturukan.

Sa pagkakaalam natin batay sa mga ulat mula sa mga lehitimong news site maging sa ibang bansa, may mga bakuna na nagdudulot ng pamamaga ng puso, at mayroon din nagdudulot ng pagdurugo sa utak o blood clot–pero bihirang-bihirang mangyari.

Ngunit ang isang malaking tanong, may aamin kaya (kahit ang DOH) na may mga pasyenteng naturukan ng bakuna na naospital ilang araw matapos maturukan o kaya eh namatay? Aba’y baka kapag may umamin, baka dumami ang matakot na magpaturok at magagalit ang mga kompanyang gumawa ng gamot kasi baka “lugeh negosyoh.”

Pero sa New Zealand mga tropapips, inamin at iniulat nila noong Agosto ang nangyaring first COVID vaccine related death sa kanila. Nagkaroon ng pamamaga sa puso ng binakunahan na sinasabing kabilang sa side effect ng gamot.

Noong June, iniulat naman ng India ang kanilang first COVID vaccine related death. Sinasabing severe allergic reaction ang nangyari sa pasyenteng nasawi.

Ngayon ang tanong, dito sa Pilipinas, mayroon kayang naitala ang DOH na serious adverse effect ng bakuna, na nalagay sa alanganin ang buhay ng nagpaturok o kaya eh namatay?

Mayroon kasing ilang insidente na naiulat noon na hinihinala ng mga kaanak na may kinalaman ang bakuna sa biglang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay na nangyari ilang araw matapos maturukan.

Pero hindi na natin alam kung ano talaga ang nangyari dahil walang ibinibigay na detalye ang DOH kung ilan ang naitatalang serious adverse effect bakuna kahit para sana sa transparency.

Para sa kaalaman na rin ng mga tropapips natin, mayroong ipinasang batas ang Kongreso na naglalaan ng P500 milyon na national indemnity fund para sa kompensasyon ng mga taong maoospital o masasawi dahil sa adverse effects ng bakuna.

Ang PhilHealth naman, naglaan ng P100,000 para sa pagpapagamot ng makararanas ng adverse effects ng bakuna. Iyon nga lang ang tanong, may aamin o kukumpirmahin kaya ng DOH na severe adverse effect ang dahilan ng pagkaka-ospital o pagkamatay ng isang naturukan?

Ngunit kompirmahin man o hindi, tulungan dapat ng DOH ang mga pasyenteng maoospital dahil hindi biro ang bayarin kapag sa puso o utak ang nadale ng side effect ng bakuna. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.