Abante Tonite Interactive

Meryll keber sa love life ni Willie

1,417

Dahil sa segment na ‘Wil You Date Me?’ ng “Wowowin” ni Willie Revillame, nagkaroon ng pagkakataon ang lucky contestant na mai-date ang pamosong TV host. Nanganak ito ng espekulasyon na naghahanap na ng makakatuwang sa buhay ang una.

May mga pagkakataon nga noong inili-link pa siya kay Kris Aquino, na aprub naman sa mga anak ng digital empress dahil good catch at good provider naman si Willie.

Pero ayon naman sa kanyang anak na si Meryll Soriano, ayaw niyang tumbukin kung boto siya kay Kris.

Sey pa niya, ayaw niyang makialam sa love life ng kanyang tatay.

Paniwala rin ang award-winning actress na deserved naman ng kanyang ama ang mahanap ang babaeng magpapaligaya rito.

Sobrang proud si Meryll kay Willie dahil sa pagiging mabuting ama nito.

Katunayan, bukod sa kotse at bahay, marami na raw itong nairegalo sa kanya.

Pero, paglilinaw niya, hindi raw naman lahat ng hinihiling niya ay ibinibigay nito.

Minsan, nagdadamot din daw ito lalo pa’t mas gusto nitong pagtrabahuhan muna niya ang isang bagay na gusto niyang makamit, kumikita na rin naman siya ng sariling pera mula sa pag-aartista at sa kanyang itinayong negosyo. (Archie Liao)