Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meryll nilantad ang bagong baby kay Joem

0 111

NI: VINIA VIVAR

Pasabog ang New Year post ni Meryll Soriano sa kanyang Instagram page. Nag-upload siya ng mga larawan nila ni Joem Bascon kasama ang isang bagong panganak na sanggol at ang binatilyong anak ng aktres na si Elijah Palanca.

“May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!” ang caption ni Meryll sa kanilang family photos.

Palaisipan kung sino ang sanggol na nasa larawan dahil wala namang detalyeng ibinigay si Merryl tungkol dito.

Obvious naman sa mga larawan na baby nina Joem at Meryll ang sanggol lalo pa nga’t makikita sa isang photo na hinahalikan ng aktor ang sanggol. But still, wala pang kumpirmasyon talaga na galing sa kanila.

At ang isa pang intriguing ay tila wala namang nakakita kay Meryll na buntis siya at ni hindi nga rin napabalita.

Matatandaang dating magkarelasyon sina Joem at Meryll. Tumagal ng isang taon ang kanilang relasyon and broke up in 2010. Last year pa ay lumutang na ang tsikang nagkabalikan sila pero naging tahimik sila tungkol dito and up to now ay wala pa ring pag-amin mula sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.