Abante Tonite Interactive

Mestisang aktres walang ‘K’ mag-Darna

690

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang gaganap na Darna. Oo, nagpapa-audition sila ng mga baguhan pero may mga datihan nang aktres na kino-consider din kabilang na ang isang mestisang actress.

Siyempre, gustong-gusto ng kanyang mga fan na siya ang mapili.

Halos lahat ng aspeto ay pasok siya lalo na sa beauty, sa kinis, sa hubog ng katawan at maging sa mga mahihirap na stunts.

Abante Hiring – IT dep

Perfect na sana siya pati sa pagsigaw ng Darna, maliban sa isang aspeto.

Flat chested si mestisang aktres. Eh ‘di ba, isa sa qualification ng isang Darna ay malaki dapat ang hinaharap?

Hindi puwede ang remedyo na lalagyan lang ng foam, baka sa kasagsagan ng kanyang laban ay biglang kumawala ang foam.

Kaya ito ngayon ang pino-problema ng mestisang aktres – ang kanyang ga-butil na boobs. May mga nagpapayo sa kanya na magparetoke ng suso pero ewan kung kakagatin ng aktres.

Maging ang pagsigaw ng Darna ay pini-perfect na nito. Bagay rin ang kanyang boses na Darna. (Timmy Basil)