Abante Tonite Interactive

Mestisang solon turn-off ang kili-kili

By
94

Likas na raw sa mga Pinay ang conscious pagdating sa kasingit-singitang bahagi ng katawan lalo na sa kili-kili.

Dapat daw ang kili-kili bukod sa walang amoy ay maputi at makinis at syempre walang balahibo.

Pero mukhang hindi ito patok sa isang lady lawmaker at mukhang dedma kung makikita ng iba ang kanyang kili-kili.

Itong si lady lawma­ker na sa kabila ng pagiging mestisa ay may itinatago pa lang maitim na baha­gi ng katawan.

Sa kabila nito, malakas ang loob ng mambabatas na magsuot ng sleeveless na blouse o dress.

Kaya naman sa isang ambush interview sa kanya ay hindi nito namalayan na nang kanyang itaas ang kanyang mga braso ay nakita ng mga mamamahayag ang kanyang itinatago.

Tila na-turn off pa ang ilang mediamen nang makita ang mga balahibo sa kili-kili nito na parang ilang linggo na anilang hindi nagbubunot o nag-aahit.

Si lady lawmaker ay kilala sa kanyang mga kampanya para sa karapatan ng mga babae at bata.