Abante Tonite Interactive

Meteor shower 4-araw masasaksihan – Pagasa

By
0 102

Naniniwala ka ba na maaaring mag-wish sa meteorite o bulalakaw?

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophy­sical and Astronomical Services Administration ­(Pagasa), simula Disyembre 14 hanggang Disyembre 17 ay magkakaroon ng meteor shower.

Ayon sa Pagasa, nasa average na 40 meteors kada oras ang makikita sa kalangitan kung saan ang peak activity umano nito ay sa Disyembre 14 ng gabi hanggang umaga ng Disyembre 15.

“Falling stars will be radiating from the constellation of Gemini. Under a dark and cloudless sky and just after midnight of its peak activity, meteors can be seen at an average rate of 40 meteors per hour,” ayon sa Pagasa.

Ang Geminids umano ay kakaiba sa iba pang meteor showers dahil ito ay hindi magmumula sa ­comet kundi mula sa asteroid na tinatawag na 3200 ­Phaethon.

“Meteors from this shower are very rocky and ­gritty and slightly easier to see compared to ­other showers. There will be shooting stars that are big enough to be seen through a naked eye,” dagdag pa ng Pagasa.