Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Metro league luksa kay Lim

0 74

Nakipagluksa ang Metro League sa biglaang pagkamatay ni MMDA chairman Danilo Lim nitong Jan. 6 ng umaga.

Na-diagnose sa positive sa Covid-19 ang dating General na si Lim, 65, noong Dec. 29, binawian ng buhay sa komplikasyon ng coronavirus makalipas ang walong araw.

“We offer our condolences to the family of chairman Lim,” pahayag ni Metro League tournament director Bonnie Tan. “He is a huge loss not just for the MMDA but to the entire country as well.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mahilig sa sports si Lim, No. 1 supporter ng Metro Sports Fest – ang year-long tournament ng iba’t ibang sports disciplines para sa mga kabataan ng local government units ng Metro Manila.

“He always supported the MMDA’s participation in various basketball leagues,” wika ni MMDA general manager Jojo Garcia. “He also institutionalized the Metro Manila Sports Fest where various sports and games are played.”

Metro League ang organizer ng Metro Sports Fest ng MMDA.

“The Metro League and the Metro Manila Sports Fest would not have garnered the success and support of the LGUs these last few years if not for chairman Lim’s efforts,” panapos ni Tan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.