Abante Tonite Interactive

Metro Manila babayuhin ni ‘Tisoy’

256

Asahan umano ang malalakas na ulan at hangin sa Metro ­Manila, gayundin sa ­Calabarzon, Bulacan at Pampanga dala ng ­pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’ na ­maaaring ­maging banta sa kaligtasan ng ­publiko, ayon sa ­Philippine ­Atmos­pheric, ­Geophysical and ­Astronomical Services (Pagasa) ngayong araw.

Ayon kay Pagasa Weather Division Chief Esperanza Cayanan, kasabay ng pagtama ng bagyo sa kalupaan sa Albay at Sorsogon, ay asahang ­mararanasan ang dala nitong ­bagsik sa Metro Manila at ­Central Luzon kaya ibayong pag-iingat ang dapat na gawin ng mga residente.

Sa huling ulat kagabi, nasa ilalim ng Storm Signal No. 2 ang Metro Manila.
Inihalintulad ang ­bagsik ng bagyong ­‘Tisoy’ sa naranasan noong 2014 nang manalasa ang bagyong ‘Glenda’ na kumitil sa buhay ng 106 katao at P38.1B ang ­ari-arian ang nasira.