Abante Tonite Interactive

Metro Manila mayor sampolan ng Pangulo sa korapsiyon

By
641

Muling napatuna­yan ni Pangulong Rod­rigo Duterte na kahit pa malapit sa kanya ang isang opisyal ng gobyerno ay maaari itong maalis sa puwesto .

Si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay kaklase at malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte pero nang ma­sabit sa kontrobersya ay naalis ito sa puwesto.

Walang mag-aakala­ na hindi maaalis si ­Aguirre sa puwesto dahil ka-brad din ito ng Pangulo sa kanilang fraternity.

Ngayon, ang pinakahuling nagbitiw ay si Secretary Wanda Tulfo-Teo na nasangkot naman sa P60 million na advertisement sa PTV 4 sa programa ng kanyang kapatid.

Nakakagulat din dahil alam ng lahat ay malapit ang pamilya Tulfo sa Pangulo at sa katunayan ay kanila itong kababayan na pawang taga-Davao.

Related Posts

Pero ayon sa ulat ay kusang nagbitiw na si Teo sa puwesto upang hindi na maapektuhan ang pamilya at mismong si Pangulong Duterte.

Sa nangyari kay Aguirre­ at Teo, kung bo­luntaryo man o puwersahan silang sinibak sa puwesto, ang pinakaimportante rito ay naalis na sa puwesto dahil may pinag-ugatan o pinagmulan na eskandalo.

Pero mas makabubu­ting sampolan naman ni Pangulong Duterte ang mga mayor dito sa Metro Manila na maimbestigahan sa umano’y katiwalian.

Maraming reklamo ang mamamayan dito sa Metro Manila na hindi ina­aksiyunan ang problema ng taumbayan.

Sa Quezon City ay makabubuting silipin ng Pangulo ang mga napapaulat na walang habas na paggasta ng pondo tulad sa mga signages­ at mga impraestruktura na maituturing na paglulustay ng pondo.

Abangan natin kung may maiimbestigahan at masasampolan na ma­yor dito sa Metro Manila sa usapin ng korapsyon.