Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Metro Manila posibleng balik-lockdown

0 106

Matapos makapagtala ng halos 1,000 kaso ng COVID-19 kada araw, inirekomenda ng OCTA Research group ang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa ‘circuit-breaker’ lockdown dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.

Sa Laging Handa briefing kahapon ay sinabi ni Dr. Guido David na ang reproduction number sa NCR ay tumaas ng 1.33. Ang reproduction number na isa o mas mataas pa ay isa umanong indikasyon na patuloy ang pagkalat ng virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“[Ang suggestion] ng OCTA, we should adopt what Australia and New Zealand are doing now, which is basically, go early and go hard. Ibig sabihin, mayroon tayong anticipatory, preventive, circuit [breaker] lockdowns po na ang tingin namin, kung gagawin natin ito over the next two weeks,” paliwanag naman ni Professor Ranjit Rye. (Dolly Cabreza/Juliet de Loza-Cudia )

Leave A Reply

Your email address will not be published.