Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Metro mayor aprub sa ‘flexible MECQ’

0 351

Napagkasunduan ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na irekomenda ang ‘flexible modified enhanced community quarantine’ (MECQ) sa kani-kanilang lungsod.

Sa flexible MECQ, sabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, mananatili ang mga border control, mahigpit pa rin ang mga health protocol at ilang negosyo ay papayagang magbukas tulad ng mga construction at personal hygiene service.

Pabor din aniya ang mga alkalde na paiksiin ang curfew ngunit hindi pa tiyak kung anong oras ito.

Sa ngayon ay mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw ang curfew sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan.

Ang kasalukuyang MECQ na umiiral sa NCR Plus Bubble ay matatapos sa Abril 30.

Kaugnay nito, inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan ang isang linggong pagpapalawig sa umiiral na MECQ sa NCR para higit pang maramdaman umano ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.