Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Metro mayor kinontra IATF sa curfew

0 93

Nais mapanatili ng mga mayor mula sa Metro Manila ang nais manatili sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ang curfew, ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing.

“As far as I know, the local governments in the National Capital Region maintain the position to keep [the current curfew hours],” sabi ni Densing sa Laging Handa briefing noong Biyernes.

Pero humirit ng exemption sa unified curfew si San Juan Mayor Francis Zamora.

Nais ni Zamora na magpatupad ng hatinggabi hanggang alas-5 ng madaling-araw na curfew sa kanyang lungsod.

Maging si Navotas City Mayor Toby Tiangco ay nanindigan na hindi niya tatanggalin ang ipinatutupad na 24-hour curfew sa mga minors bagamat pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga may edad 15 hanggang 65 na lumabas sa kanilang tahanan.
“Allowing those between 15 to 18 years old to go out is absurd. It defeats the purpose of distance learning and will further distract them from their studies. We cannot afford to be wishy-washy with our rules. Lives are at stake,” ayon kay Tiangco. (IS/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.