Abante Tonite Interactive

Metro mayor sandamakmak ang hagad para mag-gym

564

Hindi lang nakakainis kundi nakakasuka ang trip ng isang Metro Manila mayor dahil daig pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa dami ng mga bodyguard at hagad kapag lumarga ang kumag.

Makailang-beses naispatan ng espiya kung paano mag-fee­ling sikat at presidente si Metro Manila Mayor mula sa kanyang bahay at opisina papunta sa mga dinadaluhang event, maging sa simpleng okasyon.

Maliban sa apat na motorcycle rider o spotter sa unahan, dalawa ang naka-advance, me­ron pang dalawang hagad sa likuran ng sasakyan ni Metro Manila Mayor, hindi pa kabilang dito ang dalawang back up vehicle na sinasakyan ng mga bodyguard at isa pang ambulansiya.

Ang pinakamalupit sa lahat kahit isang dipa lamang ang pupuntahan, bitbit ni Metro Manila Mayor ang buong alalay o alipores, maging sa simpleng pagpunta sa gym na nakaugalian kada araw kung saan dalawang kanto lamang ang layo sa kanyang bahay.

Ang sistema pa ni Metro Manila Mayor, kailangang naka-advance ang dalawang sasakyan at sasalubungin sa lobby ng gym at kapag luma­lakad gustong nakabuntot ang lahat, animo’y hari na kulang na lamang ay paypayan ng mga alipin at dama.

Clue: Si Metro Manila mayor ay feeling macho kahit meron isyung pakulo lamang ang pagpalaki ng katawan para matakpan ang pagiging “dual citizen” as in half Filipino, half Filipina, ito’y meron letrang “R”, as in Rumaraket sa mining. (Andres Rizal)