Abante Tonite Interactive

Metro Summer Event

0 137

Noli Cruz

Ramdam na ramdam natin ngayon ang summer. Sobrang init na nga ng panahon, mahina pa ang supply ng tubig.

Masarap magbabad ngayon sa malalamig na lugar katulad ng Metro Card Club sa Ortigas. Pero kahit gaano kalakas ang air conditioning system sa Metro ay patuloy pa ring umiinit ang laro sa mga poker table doon lalo na at ongoing ang kanilang Metro Summer Event (MSE) na may guaranteed prize na P3 milyon.

Hindi ko malilimutan itong MSE dahil ito po ang unang­ malaking tournament na nalaruan ko noong nakaraang taon. Nakakuha ako ng seat dito matapos pumasok sa top five ng isang P150K gua­ranteed event nila.

Maganda ang na­ging simula ko sa MSE dahil kung hindi ako nagkakamali ay No. 12 ako sa mga chip leader sa Day 1. Inalat nga lang ako kaya sa Day 2 ay nabigo na makapasok sa in the money (ITM).

Pero magandang preparasyon po itong MSE para sa mga gustong sumali sa mga international poker tournament na ginaganap sa ating bansa.

International level ang laro rito kaya hindi ka na maninibago kapag mga beteranong international player na ang kasama mo sa lamesa.

Habang binabasa ninyo ito ay nasa Day 2 na ang MSE at bukas ay malalaman na natin kung sino ang tatanghaling kampeon sa pinakamalaking local poker tournament ngayong tag-init.

Marami rin pong side events na nakalinya para sa mga hindi makakasali sa main event ng MSE. Sa mga side event din madalas ang bagsak ng maagang nasisibak sa main event.

Hindi ko pa po alam kung makakasali tayo sa MSE ngayong taon pero malamang ay magpunta ako sa Metro bukas para masubaybayan ang aksyon sa final table.
Good luck players!