Abante Tonite Interactive

Metro Summer Event

994

Nalalapit na ang Metro Summer Event 3M Guaranteed Event sa Metro Card Club sa Ortigas. Isa ito sa mga ina­abangan ng mga poker player natin dahil medyo malaki ang premyo.

Kailangan nga lang din ng puhunan para makasali dahil nasa P6,000 din ang entry fee. Sinuwerte ang inyong lingkod na makakuha ng libreng seat sa nasabing event matapos makapasok sa top five sa P150,000 Guaranteed Event noong Marso 17.

Hindi naging maganda ang simula ko sa nasabing event pero sadyang mahiwaga ang larong poker. Sa unang break ay nasa tatlong libo na lang ang chips ko pero nabigyan ako ng magagandang baraha pagkatapos ng pahinga.

Magagaling ang mga player sa Metro Card Club kaya mahirap lumaban kung hindi talaga maganda ang iyong baraha. Pero may isang pagkakataon na napilitan akong mang-bluff.

Walang tinamaan ang J-Q suited cards ko pero alam ko na may duda ang kalaban ko sa pot, na puwede akong makabuo ng straight o flush dahil sa mga lumabas na cards sa table. Nang lumabas ang ikatlong diamond sa river ay itinulak ko na ang chips ko at tulad ng aking inaasahan ay nag-fold ang kalaban.

Ipinakita niya ang kanyang baraha at meron pala siyang two pairs. Hindi nga lang daw siya sumugal dahil isang dosenang manlalaro na lang kaming natitira sa puntong iyon at may pag-asa pa siyang makapasok sa final table.

Pero dahil malaking chips ang nabawas ko sa kanya ay na-eliminate na rin siya agad pagkatapos ng ilang hands.

Dalawa ang aral na nakuha ko sa tournament na iyon. Una, habang may chips ay may pag-asa; ikalawa, nasa timing dapat kung mangba-bluff ka.