Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga 4Ps benepisyaryo obligahing pabakuna

0 36

Pinayuhan ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maglatag ng plano kung paano mas makukumbinsing magpabakuna ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.

Sa deliberasyon ng panukalang budget ng DSWD para sa susunod na taon, pinalagan ni Tolentino ang suhestiyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanging­ mga bakunanong 4Ps beneficiary lamang ang dapat tumanggap ng buwanang ayuda upang mapilitan ang mga hindi pa nabibigyan ng bakuna na magpaturok kontra COVID-19 virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa datos na binanggit ni Tolentino, nasa 16 porsiyento pa lamang ng 4Ps beneficiaries ang bakunado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.