Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga abogado pinag-armas ng DOJ

0 343

Maari umanong magdala ng armas ang mga abogado para sa kanilang proteksiyon at matutulungan sila ng gobyerno sa pagsasaayos ng kanilang permit sa pagdadala ng baril.

“Wala namang nagbabawal sa kanila na mag-armas, ang maitutulong lang sa kanila ng gobyerno ay iyong pagsasaayos ng kanilang pemits,” ayon kay Guevarra sabay pahayag sa mga abogado na dapat nilang tulungan ang kanilang mga sarili.

Ang anunsyo ay ginawa ni Guevarra kasunod ng nakakaalarmang pag-atake sa mga abogado na ang motibo ay may kinalaman sa kanilang trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakahuling inatake si Atty. Angelo Karlo Guillen, isa sa mga abogado ng petitioner laban sa Anti-Terrorism Law, kung saan siya ay sinaksak sa ulo at balikat ng dalawang di nakikilalang suspek.

Iginiit pa ni Guevarra na importanteng may personal na security ang isang abogado kasunod ng patuloy na banta sa kanilang propesyon.

“They should be more aware of the danger or the risk that they are facing,” ayon pa sa kalihim. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.