Abante Tonite Interactive

Mga AFP, PNP official ‘safe’ sa Senado

0 230

Hindi na makakaranas ng pambabastos ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sakaling ipatawag sa mga im­bestigasyon sa Senado.

Tiniyak ito ni Pa­ngulo Rodrigo Duterte sa harap ng mga bago heneral na pinanumpa nito sa Malacañang nitong nakalipas na araw.

Sinabi ng Pangulo na nakakatiyak siyang hindi na mababastos ang mga ipinapatawag na opisyal dahil nasa Senado na sina Senador Bong Go at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ligtas na aniya ang mga opisyal ng AFP at PNP at hindi na maulit ang pambabastos na ginawa dati sa mga ipinatawag na opisyal.

“Baka kayo ang tawagin. But with Bato and Bong, kompor­table ako na hindi kayo ma-ano diyan. You are safe in the Senate,” anang Pangulo.

Kapag aniya inulit ang ginagawa noon sa mga dating opisyal, inatasan ng Pangulo ang mga AFP at PNP official na humingi ng permiso at mag-walk out sa Senado.

(Aileen Taliping)