Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga agri smuggler pinasampolan sa unang 100 araw ni Marcos

0 99

Dapat magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa agricultural smuggling at kasuhan ang mga sangkot dito sa unang 100 araw ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Senador Imee Marcos, ang aktuwal na paghahain ng kaso laban sa mga smuggler o mga kawatan ang magiging sukatan kung gaano kaseryoso ang administrasyon na sugpuin ang mga maling deklarasyon at pagpababa sa halaga ng mga imported na mga produktong pang-agrikultura.

“Ang mga ilegal na inangkat na mga produkto ang sanhi ng pagbaba ng farmgate price ng mga lokal na mga produktong pang-agrikultura kaya naman nawawalan na ng gana ang mga magsasaka sa kanilang kabuhayan,” paliwanag ni Marcos na siyang chairperson ng Senate committee on economic affairs.

Subalit giit ni Marcos na hindi puwedeng isampa ang mga kasong smuggling sa korte hangga’t hindi pa naaayos ng husto ang listahan ng mga hinihinalang agri smuggler.

SM food to go Banner Ad

“May ilang taong dapat nasa listahan, habang kinukuwestiyon naman ang pagkakasama sa listahan ng iba,” ani Marcos.

Nasa 22 indibiduwal ang pinangalanan sa Senate report kabilang ang mga opisyal ng Department of Agriculture at mga ahensiyang nasa ilalim nito. Kasama rin ang ilang opisyal ng Bureau of Customs at ilan pang indibiduwal.

Giit pa ni Marcos na kailangan din magtugma ang listahan ng hinihinalang mga smuggler sa isinumiteng report sa Senado at sa aktuwal na listahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.