Abante Tonite Interactive

Mga Airen may 1 week billboard greet kay Lee Seung Gi

0 207

Nagsi-set ng magandang example ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa kanyang mga tagahanga.

Last year, December 18 ay personal na dumalaw at nag-donate muli si Seung Gi sa Severance Hospital sa Sinchon ng 100 million won o nagkakahalaga ng $8,675. Ito’y para makatulong pa sa mga pasyente na kasalukuyang nasa rehabilitation stage.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng donasyon si Seung Gi sa naturang hospital, 2009 pa ay ginagawa na niya ito. Bukod sa pera, nagbabahagi rin siya ng entertainment sa mga pasyente.

Sabi nga sa soompi.com, Lee Seung Gi had donated 1 million won (approximately $867) weekly to families who appeared on KBS’s “Field Report Companion,” for total of 100 million won (approximately $86,700). In addition to the donations, Lee Seung Gi also volunteered to personally seek out the families and help them.”

Noong January 13 ang 34thbirthday (Korean age) ni Seung Gi. Nag-donate ang mga Airen sa pamamagitan ng 2020 LSG Airen Fan Union sa naturang hospital. Umabot ng 10,000,000 ang naibigay nilang tulong.

Ilan sa mga naging donation o charity acts na nagawa na ng mga Airen sa iba’t-ibang bansa ang pagdo-donate ng 27 tons of rice, coal briquetttes, instant noodles, 2,857 electric fan for a total of 140 million won. Nakapagtanim din sila ng mga halaman sa forest and even volunteerd in children’s hospitals.

Ipinagdiwang din ang kaarawan ni Seung Gi ng mga bansang kabilang sa LSGKWA o Lee Seung Gi Korean World Airen.

Halos lahat ay ang pagkakaroon ng sariling charity tulad sa Thailand Airen na nag-organize ng donation at activities para sa mga Disabled Animal Welfare House. Malaking bagay na si Seunggi mismo ay animal lover sa kanyang pet na si Perro.

Ang Lee Seung Gi Myanmar naman ay nag-serve at nag-sponsor ng breakfast sa mahigit 200 tao sa Helpin Yangon Children Hospital, Bukod pa sa isang Linggo na Birthday Wish Video sa LED Billboard sa San Yeik Nyein Ga Mone Pwint Shopping Center at Pyay Road, isa sa pinaka-busiest at kilalang area sa Yangon City, Myanmar.

Nagpasalamat naman si Seunggi sa mga Airen.

Aniya, “For the consistent love I’ve received from the public since my debut, I thought I should have a positive influence on our society, so I donated to the Sinchon Severance Hospital. I am so happy that my fans have joined me once again. I hope to be of at least a little bit of help to those in pain around us so they can be relieved of their suffering and find hope.”