Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga airline hinirit unified na travel requirement

0 106

Humiling ang ilang airline company na gawing unified o isahan ang mga requirement ng mga local government unit (LGU) para sa pagpasok ng mga turista sa kanilang lugar ngayong may pandemya.

“Maganda kasi kapag nagkasundo tayo sa iisa, mababawasan ang pagkalito ng mga kababayan nating lilipad and at the same time, mas madali rin ang pagse-secure ng documents,” ayon kay AirAsia Spokesperson Steve Dailisan sa isang panayam sa radyo.

Paliwanag niya, sa 11 nilang destinasyon tanging General Santos City lang ang nangangailangan ng antigen test habang sa iba ay RT-PCR test. Magkakaiba rin umano ang mga dokumento sa bawat LGU.

Sa isang panayam din kay Cebu Pacific Spokesperson Candice Iyog sinabi niyang sinusubukan nilang gawing mas simple ang mga kahingian sa biyahero, “Pero kahit na ako o kahit sino, mahirap siyang masaulo o i-memorize kasi nga hindi lang siya iba-iba, nagbabago rin siya. Sana standardized siya.”

Giit nila, mas madali ang proseso ng mga turista kung pare-pareho lang ang susunding requirement. Ganito rin ang hiling ng Philippine Airlines.

Leave A Reply

Your email address will not be published.