Abante Tonite Interactive

Mga aksidente sa kalye parang masaker na – Duterte

390

Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aksidenteng nangyayari sa mga kalsada dahil sa mga kaskaserong driver.

Kung kaya’t dapat aniyang matigil na ito dahil marami na ang namamatay na parang masaker na ang nangyayari sa araw-araw.

“I-control ninyo ang speed. Alam ninyo ang disgrasya ngayon, ang patay 10, 20… It is almost an adventure ngayon kung sumakay ka ng truck,” sabi ng Pangulo sa kanyang talum­pati nang magtungo sa Cotabato City nitong Lunes.

“Itong overspee­ding, it has to be controlled kasi marami nang patay. Ang numbers ng patay hindi na nakakatuwa. Hindi na maganda basahin. Parang massacre na almost every day,” anang Pangulo.

Noong Hulyo 2016 ay naging batas ang Republic Act No. 10916 o Road Speed Limiter Act of 2016.

Itinakda sa ilalim ng nasabing batas ang speed limit ng mga truck at pampa­saherong bus na mula sa dating 60 kilometro kada oras ay gina­wang 50 kilometro kada oras sa mga pa­ngunahing kalsada.

Nakasaad din sa batas na kaila­ngang maglagay ng speed limiter ang mga closed van, hau­ler o cargo trailer, mga public utility vehicle, shuttle service, at tanker truck. (Prince Golez)