Abante Tonite Interactive

Mga aksiyon sa SEAG ihahatid ng TV5, Cignal

169

Sa ikaapat na ­pagkakataon ay magsisilbing host ang ­Pilipinas sa gaganaping 30th ­Southeast Asian Games na may layong ­‘promoting cooperation, ­understanding and relations’ na binubuo ng 11-bansang kalahok.

Ngayon taon, kasama sa 56 sporting events ang pag-debut ng eSports bilang official medal event na dapat abangan sa natu­rang multi-sports event.

Dahil rito, kasama ang TV5 at Cignal TV, mapapanood na ng bawat Pilipino ang sporting event bilang mga official broadcaster ng SEA Games.

May temang “Sama-Sama sa SEA Games”, hangad ng 5 at Cignal TV na mapagkaisa ang suporta ng bawat Pilipino dito sa bansa at abroad para sa mga Pinoy athlete.

Sama-Sama rin ang battlecry ng MVP Group para sa kanilang hangarin na magbigay ng up-to-date at in-depth coverage sa free-to-air, pay TV at digital broadcasts para sa mga Pilipino.

Mapapanood ang SEA Games sporting action sa TV at online – para sa free-to-air, 5 at 5 Plus; para sa Cignal, mayroong One Sports, SEA Games Channel, Team Pilipinas, at SEA Games News Channel exclusive para sa Cignal at Satellite subscribers. (Janiel Abby Toralba)