Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga aktibong COVID case babagsak sa 22K – DOH

0 480

Tinaya ng Department of Health (DOH) na posibleng bumaba sa 22,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 pagsapit ng Nobyembre 15 kung patuloy na mag-iingat ang publiko para mapigilan ang hawaan ng virus.

“If the situation improves, we can go as low as 22,000 active cases for the whole Philippines by the end of November 15. So ang panawagan sa kababayan natin ay tuloy-tuloy ang pagsunod sa minimum public health standards upang hindi magkaroon ng pagtaas ng kaso pagdating ng Kapaskuhan,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Nabatid na ang projection ay ibinase sa kakulasyon ng DOH team na nagsagawa ng feasibility analysis ng syndromic surveillance spatio-temporal epidemiological modeler (FASSSTER).

Matatamo umano ang 22,000 case projection kung babawasan pa rin ang galaw ng mga tao at mapanatili ang mabagal na pagitan mula sa infection detection hanggang sa isolation ng indibiduwal na dinapuan ng COVID.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunmam, nagbabala si Vergeire na maaaring tumaas ang mga aktibong COVID case ng hanggang 52,393 kung magpapatuloy ang galaw ng mga tao.

Samantala, nakapagtala kahapon ang DOH ng 2,656 bagong kaso kaya umakyat sa 2,800,621 ang kabuuang COVID case sa bansa.

Pero mas marami ang gumaling na naitala sa 5,130 habang 154 naman ang mga bagong nasawi.

Hanggang kahapon ay nasa 34,866 ang aktibong kaso o 1.2% ng kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.