Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga alagad ni Cayetano sinibak

0 375

Nagkaroon ng rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan ay sinibak sa kanilang puwesto ang mga alagad ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Pinalitan ng liderato ang ilang may mga hawak na posisyon tulad nina Capiz Rep. Fredenil Castro at Laguna Rep. Dan Fernandez ay inalis na bilang mga deputy speaker at pinalitan nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Buhay party-list Rep. Lito Atienza.

Si Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo ay piniling chairperson ng House committee on energy na dating hawak ni Speaker Lord Allan Velasco habang si Caloocan City Rep. Dale Malapitan ay hinirang bilang pinuno ng Hounse contingent sa electoral tribulal kapalit ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Samantala, si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap ay piniling vice chair ng House committee on accounts habang si Las Piñas City Rep. Camille Villar ay pinalitan si Batangas Rep. Raneo Abu bilang deputy speaker.

Itinalaga naman bilang bagong secretary general si dating Batangas

Rep. Mark Llandro Mendoza bilang kapalit ng nagbitiw na si Jocelia Bighani Sipin.

Si Speaker Velasco ay itinalaga na rin bilang caretaker ng Cebu City 1st District matapos na pumanaw ang kinatawan dito na si Rep. Raul del Mar. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.