Abante Tonite Interactive

Mga alagang baboy sa Payatas kakatayin

320

Magsasagawa ng ­culling operation o pagpatay sa mga ­alagang baboy sa Barangay Payatas, Quezon City ngayong Biyernes dahil sa pangambang kontami­nado ang mga ito ng African Swine Fever (ASF).

Una nang nagsagawa ng pagpatay ng mga baboy sa dalawang lugar sa Barangay Bagong Silangan, ang Sitio Veterans Area 5 at Oriole, na natukoy na ground zero ng ASF.

“(Agriculture) ­Secretary (William) Dar and myself have been in contact and he already instructed me to ­depopulate already these two barangays,” ani ni Quezon City ­Mayor Joy Belmonte.

“Mas marami pa ngang reports of deaths sa Barangay Payatas. I’m just speculating na baka nga mas malala pa nga sa Barangay Payatas kasi yung kanin-baboy ay nanggagaling nga sa kanila sa segregation area,” dagdag pa ng ­alkalde.

Magugunitang matapos na mag-positibo sa ASF ang 11 baboy na natagpuang ­patay na ­lumulutang sa ilog sa ­Barangay Bagong ­Silangan ay agad ­nagpatupad ang ­pamahalaang lokal ng culling operation o pagpatay sa mga alagang baboy sa lugar upang maiwasan ang paglaganap ng ASF, noong Linggo.

Bilang standard protocol sa pagkakaroon ng animal disease outbreak, ang mga baboy na nasa infected zones o nasa 1 kilometer radius ay ­awtomatikong ­ipapapatay. (Dolly Cabreza)