Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga alagang hayop puwede na sa MRT

0 44

Papayagan na ang mga alagang hayop sa loob ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), pero may kondisyon.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dapat ay nasa loob ng pet carrier ang mga ito na sumusunod sa patakaran ng tren.

Sa isang social media post, sinabi ng MRT-3 na dapat ay may maximum size ang mga alagang hayop na dalawang talampakan.

“Magandang balita ito para sa mga pet lover dahil pinapayagan ng pamunuan ng MRT-3 ang pagsakay ng mga alagang hayop sa loob ng tren alinsunod sa panuntunan ng rail line.”

Muli naman pinaalalahanan ng MRT-3 ang pasahero ng sumunod sa “seven commandments” laban sa COVID-19, kabilang ang pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng physical distancing. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.