Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga alkalde petiks kaya sumirit COVID – DOH

0 92

Itinuturong dahilan ng Department of Health (DOH) ang pagluwag ng mga protocol na ipinatutupad ng mga local government unit (LGU) kaya nagkaroon ng sunod-sunod na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Nakikita natin na may iba’t ibang factors that may have caused this increase in the number of cases,” wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.

“Unang-una na rin po `yong easing of restrictions at nakikita natin na medyo hindi po nasusunod `yong pag-comply natin sa minimum public health standards,” ani Vergeire.

Aniya, mas kailangan pang higpitan ang pagpapatupad ng mga health protocol para maiwasan ang patuloy na paglobo ng mga kaso COVID-19 sa bansa.

“Isa pang nakikita nating factor would be the response of our local governments. Kailangan lang pa-igtingin pa ang response lalong-lalo na ang mga ginagawang quarantine and isolation protocols,” sabi ni Vergeire.

Nitong araw ng Linggo, Pebrero 28, ay mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.