Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Alulong, Bulong at Panaghoy

0 47

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba ay gising pa kung madaling araw? May pagkakataon ba na nakakarinig kayo ng mga alulong ng aso, mga bulong at panaghoy?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Noah ng Cainta, Rizal ay ilang gabi ng hindi makatulog at halos inaabot ng alas-4 ng madaling araw saka siya aantukin.

Ilang beses na rin niyang naririnig tuwing alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw ang mga alulong ng aso, mga panaghoy at mga bulong.

Misteryo: “Sabay-sabay ba yan na naririnig mo sa madaling araw brod Noah? Sa palagay mo bakit kaya?”

Noah: “Noong una hindi ko pinapansin kasi nanonood muna ako sa tv pero nang naulit sa ikalawa, ikatlo, ika-apat na araw, naisip ko mukhang iba na ito at mukhang may paranormal sa lugar namin.”

Misteryo: “Yung alulong ng aso, madami ba silang umaalulong? Sabay-sabay ba? O kaya sagutan sila?”

Noah: “Halos sabay-sabay sila. Para bang may nakikita sila sa lugar namin tuwing ganung oras. Naisip ko tuloy baka laging may gumagalang kaluluwa o anumang ispiritu kaya umaalulong sila.”

Misteryo: “Yung panaghoy ano ang naririnig mong boses? Lalaki ba o babae? Nangingilabot ka ba pag naririnig mo yun?”

Noah: “Hindi ako likas na matatakutin pero sa tuwing naririnig ko yun nagtatayuan mga balahibo ko sa katawan, parang lumalaki ang ulo ko. Yung panaghoy parang sobrang dalamhati siya na namatayan ng kaanak at babae ang boses.”

Misteryo: “Naku alam ko yan nakakapangilabot nga yan pero hindi naman lalapit sayo. Nasa area lang yun kung may nangyaring accident. Yung narinig ko noon sa province namin sa tabing-ilog kung saan madalas na may nalulunod.”

Noah: “Oo nga parang malayo sa house namin pero parang may echo yung panaghoy niya. Tapos heto ang talagang kinilabutan ako biglang may bumulong sa tenga ko pero hindi ko maintindihan.”

Misteryo: “Dyan ka mag-ingat kasi yung iba na nabulungan parang nawawala sa sarili parang nag-sleep walk pag nakatulog.”

Noah: “Ganun ba yun. Hindi naman yun nangyari sa akin pero kailangan pa rin mag-ingat.”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng Kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.