Abante Tonite Interactive

Mga Antonio liyamado

316

Ilang miyembro ng Team Sagupaan sa pa­ngunguna nina sabong idol Patrick Antonio at Tony Antonio ang mga liyamado sa Erica and Friends 4-Cock Derby ngayon sa Pasay City Cockpit.

Aabot sa P300,000 cash prizes ang nakataya sa derbing mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ayon nitong Huwebes kay PCC pit manager Gerald Go, may mga miyembro rin ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at Metro Manila derbyists ang kasali.

Sunod sa nasabing sabungan ang Ace and Elbie 4-Cock Derby sa Enero 24.

Samantala, puwedeng tumulong ang mga apisyonado sa Taal Volcano eruption sa Batangas. Dalhin lamang ang mga donasyon sa PCC office sa pag-asiste ni Jerald Picazo. (Enjel Manato)