Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga appointee ni Duterte sibak

0 123

Idineklara nang bakante ang mga posisyon sa lahat ng ahensiya at departamento ng gobyerno ng mga appointee at co-terminus na mga kawani na nagsilbi sa katatapos na administrasyong Duterte epektibo Hunyo 30, 2022.

Ito ang nakapaloob sa memorandum circular no.1 na inisyu ni Executive Secretary Victor Rodriguez matapos opisyal na magsimula ang administrasyong Marcos nitong Hulyo 1.

Kabilang sa mga idineklarang bakante sa gobyerno ay mga puwestong hinawakan ng mga presidential appointee na nasa klasipikasyon ng co-terminus, mga ginawan ng puwesto na lumagpas sa itinakdang bilang ng staffing pattern; lahat ng non-career executive service official na umokupa ng career executive service post, at mga contractual at casual employee.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para magtuloy-tuloy ang operasyon ng mga tanggapan sa paghahatid ng serbisyo publiko, tatayong officer-in-charge ang opisyal next-in-rank kung walang naitalaga agad na papalit sa pinuno ng ahensiya.

Ang OIC ang mangangasiwa sa mga responsibilidad sa tanggapan hanggang Hulyo 31,2022 o hanggang sa mayroong mga bagong maitalagang opisyal sa puwesto. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.