Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga armalite, bala nasabat sa engkuwentro

0 293

NAREKOBER ng mga otoridad ang ilang matataas na uri ng armas sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nila ng mga rebelde sa Bikol.

Sa report, nangyari ang engkuwentro pasado alas-6:00 ng Abril 20 sa Sitio Valleyfarm, Barangay Tigbao, Milagros, Masbate.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang M16 rifles, 2 bandoliers, 12 magazines, mga bala at personal na gamit na naiwan ng nagsitakbuhang mga rebelde.

Naunang nakatanggap ang gobyerno ng sumbong mula sa mga residente na may mga armadong grupo sa kanilang lugar.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok, tumakas patungo sa iba-ibang direksyon ang mga rebelde. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.