Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga armas, bomba silat sa hideout ng BIFF

0 99

NASABAT ng tropa ng pamahalaan sa Maguindanao ang ilang mga improvised explosive device (IEDs) at war material sa Datu Saudi Ampatuan.

Sinabi ni Lt. Col. Edwin Alburo, ang 40th Infantry Battalion (IB) commander ng Army, na nakuha ng mga sundalo ang matataas na uri ng baril sa military operation sa Barangay Kitapok.

SM food to go Banner Ad

Kabilang dito ang M16 rifle, mga bala, 60mm mortar projectile, improvised bombs, bomb-making devices, communication sets, at personal na gamit mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Hinahanting naman ng mga sundalo ang isang Commander Banjo, sub-leader ng BIFF Bungos faction. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.