Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga armas, pampasabog nakumpiska sa haybol ni ‘titser’

0 236

Nasa walong matataas na de-kalibreng baril, mga bala at mga gamit pampasabog ang nakumpiska sa bahay ng isang babaeng umano ay miyembro ng leftist group sa raid sa bahay nito sa Sta. Rosa City, Laguna noong Martes ng umaga.

Batay sa report ng PRO-4A Calabarzon PNP, isinagawa ng magkakasanib na tauhan ng regional at NCR CIDG, RMFB 4A, RECU 4A at Laguna PNP ang paghahain ng search warrant sa bahay ng suspek na si Maritess Santos David alyas ;Teacher Laly; sa Brgy. Market Area, dakong alas-6:30 ng umaga.

Hindi naman naabutan ng mga awtoridad ang target subalit nakuha sa bahay nito ang mga baril na kinabibilangan ng 2 carbine, 1 Bushmaster rifle, 2 M16 rifle at 4 na .45 pistol.

Nakuha rin ang iba’t ibang mga magazine at mga bala, silencer ng mga baril, at mga pampasabog na kinabibilangan ng 1 Improvised Anti-troop carrier mine, 3 piraso ng improvised Claymore Mine, 15 piraso ng Improvised Anti-personnel mine, at 9 na piraso ng M-203 Grenade.

Nakuha rin sa bahay nito ang mga subersibong mga dokumento, mga streamer at mga election paraphernalias. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.