Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktor lihim na nagpakasal sa dyowang bading

0 133

ROMMEL PLACENTE:Marami tayong kilalang mga artista na ang akala natin ay mga single pa.Na may karelasyon nga pero hindi pa kasal.Only to find out na ikinasal na pala sila.Gaya sa kaso nina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Ilang buwan ang nakalipas bago inamin na kasal na sila.Si Alex mismo.ang nagbisto nito sa kanyang vlog,di ba?

At ngayon naman,si JC de Vera pala ay kasal na rin sa kanyang non-showboz wife na si Rikkah Cruz sa pamamagitan din ng civil ceremony noong 2018 pa. Ang pag-amin ay ginawa ni JC sa vlog ni Erich Gonzales, Ayon pa sa aktor,ang civil.wedding ay nangyari bago pa ipinanganak ni Rikka ang panganay nila na si Lana Athena.

MILDRED A. BACUD:Noon pa naman nangyayari ang mga ganyang pagpapakasal ng mga celebrities na hindi kaagad nalaman ng publiko. Naaala ko mga ka-Cuatros ang naging malaking balita no’n ng sikretong pagpapakasal nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo nu’ng Sept. 12, 2004 sa Jaen Nueva Ecija. Parang nabigla lang sila na no’ng July 2005 ay kaagad nag-file ng annulment. Matagal bago nila nakuha ito na umabot pa ng 2009.

Kaya naman technically ay 2nd marriage na ng aktres kay Oyo Sotto no’ng 2011.

Lalayo pa ba tayo kung secret marriage lamang ang pag-uusapan, ay maraming ginulat sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil ultimo magulang ng Popstar ay hindi alam na magpapakasal na ito. After ASAP ay didiretso pala ito sa BGC at may seremonya ng magaganap dun.

RODEL FERNANDO: Hindi alam ng lahat na nakadalawang asawa na si Alice Dixson. Una kay Ronnie Miranda na umabot ng 13 years ang pagsasama bilang husband and wife at napawalang bisa ang kasal nila noong 2013.

Nagulat na lamang ang lahat na noong 2018 ay ikinasal siya sa isang businessman na nagmamay-ari ng isang sikat na resort sa Boracay .

Ang sikretong pagpapakasal din nina Megan Young at Mikael Daez ay ikinagulat ng kanilang mga fan. Nagkaroon na pala ng secret wedding bago pa ang kanilang kasal sa Subic noong January 25 . Una silang kinasal noong January 10,2020

sa Calaruega Church sa Tagaytay City. Mga pamilya lang nila ang nakakaalam.

Yes, dalawang beses sila ikinasal noong January 2020.

ROLDAN CASTRO:Well, ipagdasal na lang natin na laging matatag ang pagsasama ng mga artista nating kinakasal. Karapatan nila kung pinili nilang itago at maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib.

Pero mautak din ‘yung iba na nire-reveal sa sarili nilang vlog ang sinikretong kasal. Pagkakakitaan nga naman nila pag maraming views.

Ayway, ang nakakawindang ay ‘yung actor na lihim na nagpakasal sa kanyang dyowang bading sa abroad.

Aminin din kaya niya ito?

Talbog

Leave A Reply

Your email address will not be published.