Abante Tonite Interactive

Mga Artista sa teleserye nasa drug watch ng PDEA

By
1,918

Mahigpit na tinututukan umano ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga artista na posibleng nagtutulak o gumagamit ng iligal na droga sa showbiz.

Ito ang nabatid mula sa isang PDEA agent kasunod ng pagkaka-aresto sa beteranong aktor na si Julio Diaz na nabitag sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Langka, Meycauayan City, Bulacan noong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa PDEA agent, inatasan diumano sila ni PDEA Director Ge­neral Aaron Aquino, na manmanan ang mga beteranong artista na posibleng gumagamit ng iligal na droga bago ang kanilang mga shooting partikular sa mga teleserye ng mga kilalang television network.

“Hindi nila maiiwasan ang gumamit ng drugs, dahil syempre may mga edad na rin yang mga veteran actor at ang shabu ay nakakapag-paalerto sa kanila kaya nakakatagal sila sa puyatan,” ang pahayag naman ni Aquino sa hiwalay na panayam sa kanya.

Aniya, hindi lang mga beteranong ­aktor kundi maging ang mga beteranang aktres ang kanilang minamanmanan ngunit tumanggi itong magbanggit ng pangalan.

Naaresto si Julio Diaz, Mariano De Leon y Calongje sa tunay na buhay, kasama ang ­kanyang drayber matapos na bentahan ng ­iligal na droga na ipinain police asset.

Kabilang ang ­aktor sa 50 mga drug ­suspek na naaresto sa ­magkakasunod na anti-illegal drug operation ng PDEA kasama ang mga ­tauhan ng Bulacan ­police kung saan ay 13 iba pa ang napatay matapos na manlaban umano sa mga ­awtoridad.