Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga artistang naghiwalay, inalok ng kasal sa pandemya

0 105

MILDRED BACUD:Kung masalimuot ang taong 2020 sa atin dahil sa pandemya, ganun din ang showbiz.

Ano bang showbiz break ups, at engagement ang pinag-usapan? Nangunguna na siyempre ang controversial break up nina James Reid at Nadine Lustre sa bungad pa lamang ng taon. Una ngang nakaiskup ang Abante Tonite na sinulat ng inyong lingkod bago pa man pumutok nitong January. Iba’t ibang dahilan na nga ang lumabas na umabot aa puntong nadamay pa ang kapatid ni Yassi Pressman na s’yang dahilan diumano ng break-up. Matatandaang si Nadine ang nag- alsa balutan sa bahay na tinirhan daw nila together ni Nadine. Pero kahit hiwalay na, spotted pa rin laging magkasama ang dalawa. Pumirma pa nga ng recording contract ang aktres sa music label ni James na Careless.

Pero sa epekto ng break-up nalungkot ako for Rhian Ramos at ang foreigner boyfriend na si Amit Borsok. Nahirapan si Rhian tanggapin ito. Sobrang na-depress siya sa puntong nakahiga lang daw siya sa kama niya at walang ganang kumain. Sa post niyang mga picture sa IG niya, marami pa ang nam-bash sa sobrang kapayatan niya.Kaya naman napilitan siyang aminin na ang break up ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ganang kumain at nangayayat . Bagay na naintindihan na ng mga netizen.

Hindi rin naman talaga guarantee na kahit married na at may anak ay hindi maghihiwalay tulad na lamang ng nakababatang kapatid ni Kaye Abad na si Sarah at Kamikazee vocalist na si Jay Contreras. Last May sila naghiwalay at maayos naman ang lahat. Walang galit at pinili nilang maging magkaibigan pa rin alang- alang sa dalawang anak.

Naging trending naman sa social media ang break-up ng Viva artist na si Donnalyn Bartolome sa ex niyang hindi pinangalanan. Paano’y vinlog pa niya ang unboxing niya ng mga gamit na sinauli sa kanya ng dating nobyo.Masakit daw sa kanya ang solian.Mapapanood sa video kung paano sya ngumawa habang iniisa isa ang mga bagay na bonigay niya. With 7.8 million views as of press time ay trending nga talaga. Understandable ang sakit kasi 5 years din ang naging relasyon nila ng ex niya.

RODEL FERNANDO: Hindi talaga maiwasan ang hiwalayan sa showbiz. Doon sa split-up nina Derek Ramsay at Andrea Torres ay wala naman akong paki. Kasi alam ko noon pa na hindi magtatagal ang relasyon nila. Nasa stage pa kasi si Derek na hindi pa nakikita ang kanyang forever. Sorry na lang kay Andrea pero at least naging masaya naman siya kahit panandalian lang sa piling ng binata.

Isa pa sa walang apekto sa akin ay ‘yung kina James Reid at Nadine Lustre. Sa nakita ko kasi, parang hindi pa sila seryoso. Ayaw ko rin ‘yung pagsasama nila sa isang bubong na kay babata pa at hindi pa kasal. Negatron ang dating sa marami sa set up nilang ito. Marahil, tama lang na naghiwalay sila ng landas. Mag-isip muna sila at malay natin ay magkatagpong muli ang kanilang mga puso.

Ang naapektuhan ako ay ang hiwalayang Buboy Villar at partner niyang si Angelyn. Masalimuot din kasi ang pinagdaanan ng kanilang relasyon bago sila nagsama at nakabuo ng pamilya. Ang buong akala ko ay happy couple na sila pero hindi pala. Sayang, nakita ko naman ang effort ni Buboy para sa asawa at mga anak dahil watch ako ng vlog niya. Sana maiayos ang problema nila at magkasama silang muli.

ROMMEL PLACENTE:Kung may mga naghiwalay na showbiz couple, meron din namang happy ending ang relasyon.Tulad nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.In-announce nila sa kanilang respective social media accounts noong December 12,na engaged na sila. At ang ang hashtag na ginamit nila ay #JessGotLucky, na kuha sa kantang sumikat noong 80’s na Just Got Lucky. Ang Jess ay mula sa pangalan ni Jessy at ang Lucky ay mula sa palayaw ni Luis.

Ang isa pang engaged na rin ay sina Andy Eigenmann at Philmar Alipayo. Sa get- away vlog ni Andy sa Anilao Batangas noong December 20 niya in- announce na engaged na sila ni Philmar.

Ang komedyana at vlogger na si Alex Gonzaga ay engaged na rin kay Mikee Morada. Sa kanyang Instagram account, noong mismong araw ng kanyang birthday which is January 16, pinost ni Alex ang ganap sa kanyang lovelife.Noong December last year pa nag-propose sa kanya si Mikee.

Si Kris Bernal ay engaged na rin sa kanyang businessman boyfriend na si Perry Choi noong February ng taong kasalukuyan. Ang ilan pa na engaged na rin ay sina Glaiza de Castro at David Rainey,Morissette Amon at Dave Lamar, Trina Legaspi at Ryan Jarina,Rocco Nacino at Melissa Gohing,KaladKaren Davila at Luke Wrightson, Ritz Azul and Allan Guy.

Nakakatuwang malaman na nasa ganyang stage na ang lovelife nila.Ibig sabihin ay talagang nagmamahalan sila ‘di ba? Pero sana pag kinasal na sila ay hindi na talaga sila magkahiwalay pa. Meron kasing iba na engaged, ikinasal tapos naghiwalay rin,di ba?

ROLDAN CASTRO: Yes ka-Cuatros Rommel sana matuloy lahat ang mga celebrity engaged na ‘yan. May mga inalok din kasi ng kasal na hindi natutuloy, di ba?

Hinihintay na rin na mag-propose si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez, Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo, Enrique Gil kay Liza Soberano, Xian Lim kay Kim Chiu at Ion Perez kay Vice Ganda. Aguy!

Pagdating naman sa hiwalayan humabol din sa isyu ang singer na si Ehla Nympha at Brian Gazmen, Kapuso actress Liezl Lopez at non-showbiz boyfriend. May tsismis ding hiwalay na umano si Zanjoe Marudo at ang girlfriend niyang Filipino-Australian model surfer na si Josie Prendergast.

Pero ang inaabangan ng lahat sa 2021 ay kung sino ang mga artistang magkakaroon ng lovelife. Sino ang mga aamin sa kanilang romansa at magdi-deny.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.