Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga artistang nalaos nang iwan ang manager

0 626

ROMMEL PLACENTE: Hindi na bago sa mga artista na kapag nagkapangalan na, o kahit wala pa namang napapatunayan sa showbiz,ay nagagawang iwan ang kanilang manager .

Na sa tingin nila ay kaya na nila,na sila na lang mismo ang maghahanap ng proyekto para sa kanilang sarili.

Si Claudine Barretto after 16 years ay umalis sa Star Magic ng ABS-CBN para lumipat sa kalabang istasyon nito, na GMA 7.Taong 2009 nang iwan ni Claudine ang kumpanyang nagpasikat sa kanya.Ang binigay niyang rason, kailangan niya ng work dahil may pamilya siyang binubuhay. Napansin kasi niya na wala nang binibigay sa kanyang proyekto ang Kapamilya network. Pero sad to say,wala ring nangyari sa kanyang career dito kaya naisipan niyang magpa-manage na lang ngayon kay Arnold Vegrafria.

Si Hero Angeles na mula rin sa Star Magic,after iwan ang talent arm ng ABS-CBN ay biglang nalaos.Nagpa-manage siya sa namayapang si German Moreno pero hindi naman niya napanatili ang kanyang kasikatan.Nanghihinayang talaga ako kay Hero.Mga ka-Cuatros,sino pa sa tingin ninyo yung ibang mga artista na matapos iwan ang kanilang manager ay wala namang nangyari sa kanila?

RODEL FERNANDO: Naging isyu rin noon ang biglang paglipat ni Billy Crawford sa talent manager na si Arnold Vegafria mula sa pangangalaga nina Raul Laurente at German Moreno. Naging malaking isyu ito at nagtampo nang husto si Kuya Germs. Sumama pa ang loob ng namayapang Master Showman. Marami ang nagsabi noon kay Billy na wala siyang utang na loob. Ngayon ay wala na sa pangangalaga ni Arnold si Billy at ang Viva Artist Agency na ang namamahala sa kanyang showbiz career.

Bukod kay Billy, isa pang kontrobersiyal hindi lamang paglipat niya ng istasyon pati ang pagpalit niya ng manager ay si Angel Locsin. Kasagsagan ng kanyang kasikatan noon sa GMA 7 nang bigla na lang itong mag – ober da bakod. Pati ang kanyang manager noon na si Becky Aguila ay iniwan niya. Pinaratangan din siyang walang utang na loob dahil napakalaki raw ng sakripisyong ginawa sa kanya ng dating manager. Marami ngang kuwento na nagpasalin-salin na hindi raw naging maganda ang samahan nila bilang talent at manager kaya umalis ang aktres sa poder nito. Si Manay Ethel Ramos ang nagmanage ng career ni Angel mula nang siya ay maging isang Kapamilya pero ngayon ay wala na rin sya sa poder ni Manay Ethel.

MILDRED BACUD:Dalawa lang naman ‘yan mga ka-Cuatros, may mga artistang umalis sa dating manager pero nang lumipat sa iba ay bumongga ang career at mga artistang umalis sa dating manager pero nanamlay ang career. Ang pinaka- pinag- usapan talagang umalis sa dating manager which is Viva ay si Nadine Lustre, nilayasan ang management. Kaya naman sinabihang walang utang na loob matapos sugalan at pasikatin. Mula sa pagiging myembro ng all female group ay naging malaking artista at tinambal kay James Reid na eventually, ang JaDine ang isa sa naging pinakasikat na loveteam. Gustuhin man ni Nadine na tumanggap ng maraming projects, hindi niya magagawa dahil sa pagbabanta ng Viva na makakasuhan siya ng breach of contract. Sa ganitong kaso mahirap lumaban dahil batas na ang pinag-uusapan. Tengga tuloy ang mga projects ng aktres. Gustuhin man siyang kunin ng ibang producers takot silang makasuhan din. Nanghihinayang talaga ako kay Nadine mga friends. Sana maayos niya ang problema niya para makabalik na siya or else baka lumamlam ang career niya.

ROLDAN CASTRO: Sa true lang, sinasabi nila na ang pagmama-manage sa showbiz ay propesyong walang utang na loob. Pag nagkaroon na ng pakpak ang talent ay mararamdam mo talaga ang attitude at pagiging pasaway.Gusto na nilang makawala na feeling nila ay kaya na nilang tumayo sa sariling paa.

Hindi nila alam ‘yung ginagawa ng manager na magpakumbaba,nagsasakripsiyo, nakikisama, gumagastos para mahanapan lang ng proyekto ang mga talent nila.

Bilang na bilang mo ang talent na hindi nagbabago at tumatanaw ng utang na loob.

Ilang kaibigang manager ngayon ang sumasakit ang ulo sa kanilang mga alaga.

’Yung female starlet na produkto ng Starstruck ay iniwan ang kanyang manager. Feeling niya ay kaya na niyang magka-project dahil hawak siya ng istasyon at binigyan ng loveteam. Ewan lang kung saan siya pupulutin sa kawalan niya ng utang na loob.Hinayaan niyang mawala ang manager na kasa-kasama niya nu’ng super nameless pa siya.

May isang BL serye actor din ang pasaway ngayon. Pagkatapos i-build up ng manager ay gusto nang lumipat sa ibang talent agency.Kung kailan naka-buwelo na sila ng kanyang manager at dumarami ang offers dun lumaki ang ulo niya.

Pero hindi siya makakawala dahil may kontrata pa siya. Mabuburo lang siya pag nakipagmatigasan.

Kandidato na rin siya sa hindi pa tuluyang sumisikat, palaos na!

Tanda ko rin, si Ina Raymundo kasagsagan din ng kasikatan nang iwan ang manager na si Jojo Veloso.May pinagdadaanan noon si Mudra.Pero naramdaman din ang pagbaba ng career ni Ina. Umabot pa siya na tanggapin ang ‘Burlesk Queen Ngayon’ para makabawi at muling pag-usapan. Pero ang maganda lang kay Ina nakipag-communicate siya ngayon kay Tito Jojo at nagtutulungan.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.