Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga astig na Pinay marathon runner (1)

0 292

Unang Olympian marathoner, nakalahok sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil, gold medalist sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Malaysia at six-time National MILO Marathon queen.

Iyan ang nagsemento kay Mary Joy Tabal bilang pinakatigasing Pinay marathoner sapul nang isilang ang makabalit-uhod, makasabog-bagang 42.195-kilometer footrace sa bansa (Roxas City, Capiz) noong 1968.

Nag-qualify ang nag-31-anyos nitong Hulyo 13, 4-11 ang taas at tubong Cebu City, nang pumangwalong puwesto sa tiyempong 2 oras, 43 minuto at 29 segundo sa 42nd Scotiabank Ottawa Marathon 2016 sa Canada.

Natapos niya ang Olympics marathon, 124th sa 133 finishers, may 23 pang starter pero hindi natapos o nag-DNF sila. May iba pang marathon events ang nasa resume ng dalagang mananakbo, kabilang ang world majors Boston Marathon noong 2016 din.

SM food to go Banner Ad

Kaya kung may Hall of Fame ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa), sigurado na siyang makakasama sa kapwa Olympian marathoners ding sina Benjamin Silva-Neto, Victor Idava, Leonardo Illut, Herman Suizo, Roy Vance at Eduardo Buenavista.

Puwede na rin si Christabel Martes, ang nag-iisang nakamedalya pa lang sa Asian Marathon Championships nang maka-silver sa ikapitong edisyon nito noong 2000 sa Pattaya, Thailand.

***

Kung nais po ninyong magkomento o magtanong sa TP, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Miyerkoles mg aka-Abante TONITE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.