Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga astig sa SONA rally dadamputin

0 276

Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas na aarestuhin ng kapulisan ang mga magmamatigas na mag-rally nang walang permit kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It’s part of our dialogs lahat. Hindi papayagan, kung matigas talaga ang ulo mapo-force kaming hulihin talaga sila,” sabi ng heneral.

“Babala pa ni Sinas na maging ang mga ralyistang magtitipon-tipon sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City ay kanilang babantayan sa labas nito at huhulihin ang lalabas para magsagawa ng kilos protesta gayundin aniya kapag nag-request sa kanila ang administrasyon para buwagin ang rally doon.

“Ang UP kasi may sarili silang admin doon. Alam namin pumapayag sila. May sarili silang pulis. May MOA noon pa. Until then, kung walang blatant violation ay okay lang po iyon, pumayag naman sila. Social distancing basta huwag mag-request ang management admin doon na buwagin sila,” ani Sinas.

Sinabi pa nito na sigurado umano silang hindi 100% na COVID-free ang mga sasama sa rally kaya natatakot din sila para sa mga kapulisan na magbabantay para sa SONA.

“Sigurado kami `yong rallyists hindi 100 percent COVID-free. I-expect namin na `yong pulis namin ika-quarantine namin kung magkahulihan. Sana sumunod tayo. Mahirap talaga. Kami po ay susunod lang sa tungkulin namin at directives,” dagdag pa ni Sinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.