Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Atenista kinasa academic break nationwide

0 232

Nakilahok na rin ang mga estudyante, youth group at faculty ng Ateneo De Manila University (ADMU) sa tinawag na `One Big Strike’ na isinagawa sa Quezon City upang ipanawagan ang nationwide academic break at government accountability.

Sinimulan ito ng mga ADMU strike organizer at inanunsyo na hindi sila magpapasa ng mga school requirement hanggat hindi dinidinig ang kanilang mga hinaing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Bernardine De Belen, isa sa mga organizer ng Ateneo student strike, nagpahayag din ng suporta ang ibang mga estudyante sa pamamagitan ng paglahok sa mga kilos protesta at relief operation.

“Hopeful po kami na pakikinggan kami ng gobyerno dahil makikita naman natin na hindi lang `yong university namin `yong naglunsad ng pagwewelga. Kaya rin po ngayon hanggang sa mga susunod na araw susubukan namin na kumontak pa ng galing sa ibang universities na nag-strike din upang mapag-isa ang mga panawagan naming,” ayon kay De Belen.

Matatandaang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring bumagsak ang mga estudyanteng lalahok sa academic strike kapag hindi sinumite ang kanilang mga requirement. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.