Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga atleta suportahan natin

0 36

Sa Huwebes, Mayo 12 na ang pagbubukas ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Hanoi at iba pang mga lugar sa Vietnam.

Kalahok ang delegasyon natin na umaabot sa 981-katao, kabilang ang 641 atleta na kakasa sa 38 sports na tinustusan ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa tulong ng Philippine Olympic Committee sa pamumuno ni president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Kaya sa puntong, tinatawagan ko ang aating mga ka-Turning Point, ka-Abante TONITE Sports at lahat ng Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo na suportahan natin ang ating mga manlalaro.

Ipanalangin natin ang kanilang mga tagumpay, maipagtanggol din sana natin ang overall championship na napanalunan sa 2019 PH SEA Games.

Bumili rin tayo ng mga pahayagan at kunan natin ng litrato na maipo-post sa social media bukod pa sa mga nasa social media na mga balita at kanilang mga larawan na pwede nating mga i-repost bilang tulong sa natin sa kanila, i-cheer sila.

Magkita-kita po tayo sa Vietnam.

Maraming salamat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.