Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga atletang binaha aayudahan

0 26

Pinahahanda na ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagbibigay ng financial assistance sa mga miyemro ng national team na mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo at kalamidad sa bansa.

Nakipag-ugnayan ang PSC sa mga national sports associations (NSAs) para malaman ang bilang ng kanilang mga atleta na naapektuhan, lalo na ng bagyong Ulysses.

Related Posts

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang sports agency na may mga atleta at coach, na umabot na sa 57 mula sa siyam na 9 sports ang napuwersang mag-evacuation o nawalan ng bahay dahil mga biglaang pagbaha sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Siniguro ni Ramirez na kanilang namomonitor ang tinamaan ng mga bagyo na mga miyembro ng national team at inaasikaso ang pag-release ng financial assistance sa mga apektado ng kalamidad.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” sabi ng sports chief nitong Linggo. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.