Abante Tonite Interactive

Mga babaeng photographer speaker sa PWA

550

Idaraos sa Enero 31 hanggang Pebrero 5 ang PhotoWorld Asia (PWA) 2019, ang pinakamalaki at pinakamahabang photography event sa Southeast Asia sa Makati City. Ang trade fair na magtatampok sa pinakabagong kagamitan sa photography ay gaganapin sa New Activity Center sa Glorietta samantalang ang kombensiyon ng mga photographer ay sa Asian Institute of Management (AIM).

Ang taunang event ay inorganisa ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) sa pamumuno ni Pablo Beltran bilang President at Ms. Eduviges Huang bilang Chairman.

Ang FPPF ang nasa likod ng pa­tuloy na pagdaraos ng mga photography course para sa mga gustong matuto ng photography at mga professional photographer sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila.

Nagsasagawa din ang pederasyon ng mga photo course sa mga probinsya, mga ahensiya ng gobyerno, mga kompanya, at mga paaralan.

Sa PWA 2019 ay walang banyagang speaker kundi pawang babaeng photographer na mga multi-awarded.

Ang tema ng PWA 2019 ay Hashtag#Photography.

Si Catalino Celzo, Jr. ang siyang PWA 2019 chairman.

Ang mga speaker at ang paksa nila ay ang mga sumusunod: Angela Jane Blanco, ‘Social Media Publishing;’ RC Sustiguer, ‘Your Personal Brand as a Photographer;’ Vivian Valdez, ‘Mobile Phone Photography;’ Andrea Genota, ‘Natural Light Photography;’ Peachy Hernandez, ‘Underwater Photography;’ Rachel Lobangco, ‘Concept Photography;’ Shaira Luna, ‘Fashion and Advertising;’ Joan Bondoc, ‘Photojournalism’ Jaya Samaniego, ‘8 Truths I Learned From Life and Photography;’ at iba pa.